Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang pagbabago sa inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa quarantine classifications noong ika-30 ng Nobyembre.
Kung kaya walang katotohanan ang kumakalat na balita na magkakaroon ng lockdown sa Disyembre 23 hanggang Enero 3.
Nauna nang inanunsyo ng Pangulo na mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, mga probinsya ng Batangas, Lanao del Sur, Davao del Norte at mga syudad ng Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao hanggang ika-31 ng Disyembre ng taong ito.
Dahil dito, hinikayat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga mamamayan na maging maingat sa pamamahagi ng mga impormasyon sa social media.
Patuloy naman ang pagpapaalala ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire na gawin na lamang virtual ang mga pagtitipon ngayong panahon ng Kapaskuhan upang maiwasan ang sobrang dami ng mga attendee sa mga gagawing Christmas gathering.