Ni Arjay Adan
OPISYAL nang napanalunan ng Barangay Ginebra Gin Kings ang una nitong Philippine Cup Trophy simula taong 2007 matapos nitong talunin ang TNT Tropang Giga na nagtapos sa iskor na 82-78 sa game 5 ng finals ng PBA.
Pinangunahan ni Aguilar ang Gin Kings sa title-clinching win nito na may game high na 32 points habang pinabuti naman ni Stanley Pringle ang opensa nito sa huling quarter matapos na mahirapan sa unang dalawang quarter na may 13 points.
Sa unang bahagi ng laban ay naging mainit pa ang Tropang Giga at nagawa nitong pagsamantalahan ang early foul trouble ni Aguilar.
Sa pangunguna ni Poy Erram ang Tropang Giga kung saan lumamang pa ito sa first quarter sa iskor na 17-10.
Ang pagkapanalong ito ng Ginebra ay ang katapusan ng PBA Bubble sa Clark City, Pampanga na nagsimula noong unang bahagi ng Oktubre.