Ni Arjay Adan
PANALO ang Barangay Ginebra konra TNT sa Game 4 ng PBA finals na nagtapos sa iskor na 98-88 upang kunin ang 3-1 series lead sa PBA Philippine Cup Finals.
Nagawa pang maka-ahon ng TNT sa tambak na 18 points sa fourth quarter ng laro ngunit tuluyan nang nanalo ang Ginebra matapos na maka-iskor si La Tenorio ng 8 points sa huling 2:30 minuto ng laban.
Pinangunahan ni Tenorio at ni Japeth Aguilar ang laban na parehas na nakagawa ng 22 points.
Nag-ambag din ng 16 points habang nakapagtala naman si Scottie Thomson ng double-double na may 11 points at 11 boards.
Pinangunahan ni RR Pogoy ang koponan ng TNT Katropa na nagpasabog ng 34 points habang nag-ambag din si Poy Erram ng 19 points.
Kung maipapanalo ng Gin Kings ang game 5 ng laban nito kontra sa TNT ay ito na ang tatanghaling kampeon ng PBA Philippine Cup Finals.