Ni Kriztell Austria
KINUKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung sisisantehin nito ang buong Toll Regulatory Board (TRB).
Ito ay matapos ang pagkabigo nito sa implementasyon ng fully cashless transaction na nagresulta sa traffic jam.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya masisisi ang toll operators sapagkat trabaho ng TRB na walang palya ang bagong sistema.
Aniya, dapat ay hindi nag-implementa ng bagong sistema kung hindi pa ito sumailalim sa trial run ng isang linggo.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nais niyang ipalit ang mga nasa pwesto sa mga taong may experience na at hindi niya iniintindi kung ang ipapalit dito ay nagdaan na sa administrasyong Aquino o Arroyo.