Ni Kriztell Austria
NAGMULTA ng $3,500 o £2,588 ang pangulo ng Chile na si President Sebastián Piñera matapos lumabag sa COVID-19 protocol dahil sa pag-selfie nang walang mask.
Ito ay matapos mag-viral ang litrato ng pangulo kasama ang isang babae na walang suot na mask.
Inamin naman ng pangulo na dapat ay nagsuot nga siya ng mask nang mag-request ang babae na magpalitrato sa kanya.
Samantala, mula nitong buwan ng Hunyo, nakapagtala ang bansa ng 1,000 bagong mga kaso kada araw at mula naman nitong Disyembre nag-anunsiyo si Pres. Piñera ng 90 days extension ng state of emergency.