Ni Vhal Divinagracia
HINDI mag-avail sa libreng COVID-19 vaccine si AnaKalusugan Partylist Representative Mike Defensor.
Batay sa panayam ng Sonshine Radio, aniya dapat ay maging prayoridad ng nasabing libreng bakuna ang mga mahihirap at frontliners matapos nagpahayag si House Speaker Lord Alan Velasco na ililibre nito ang mga congressmen sa COVID-19 vaccine.
Ipinangangampanya rin umano ni Rep. Defensor sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na gumawa sila ng pirmahan na nagsasaad na hindi nila tatanggapin ang naturang offer.
Dagdag pa ni Defensor, ipinanawagan pa nga niya umano sa mga private companies na sila na ang bumili ng bakuna para sa kanilang empleyado para hindi na masyadong mabigat sa pamahalaan.
Matatandaang ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, uunahin ang mga mahihirap at frontliners kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccine ang bansa.