Ni Vhal Divinagracia
SINIGURADO na ng mga mambabatas na may budget para sa COVID-19 vaccines na nakapaloob sa 2021 National Budget.
Ito ang tiniyak ni Department of Budget and Management Sec. Wendel Avisado sa panayam ng Sonshine Radio.
Ayon kay Avisado, tinatayang aabot sa 70 to 80 milyong katao naman ang mapapabakunahan mula sa nasabing budget.
Kahit hindi pa aniya kabuoang bilang ng populasyon ng bansa ang 70 to 80 milyon na mababakunahan, ipinaliwanag ni Avisado na sakop naman nito ang lahat ng vulnerable at poor sectors ng lipunan.