Ni Karen David
SA Facebook post, sinabi ng DepEd na gaganapin din ang holiday break ng kindergarten hanggang grade 12 students sa buong bansa mula Disyembre 19, 2020 hanggang Enero 3, 2021.
Sa Enero 4, 2021 naman ang pagbabalik ng mga klase.
Habang ang in-service training week ay isasagawa mula Disyembre 14 hanggang 19, 2020.
Matatandaang Oktubre 5 nang magsimula ang remote classes, ilang linggong huli mula sa inisyal na planong Agosto 24 para bigyan ang mga guro at mga estudyante ng maraming oras para makapaghanda para sa online at modular distance learning.