Ni Karen David
NADAGDAGAN pa ng 1,196 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules, Disyembre 23, pumalo na sa 464,004 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.
Ang limang lugar na may pinakamataas na bagong kaso ng coronavirus ay ang Quezon City na may 123; Rizal na may 84; City of Manila na may 74; Davao City na may 54 at Batangas na may 49 na new cases.
Samantala, pumalo na sa 429,972 ang mga gumaling sa COVID-19 sa bansa habang 9,048 ang total ng namatay.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 564 na mga pasyente na gumaling at 27 na bagong namatay.
Habang mayroon namang 24,984 ang aktibong kaso kung saan 81.8% ang mild, 9.5 ang asymptomatic, 5.5% ang critical, 2.9% ang severe at 0.32% ang moderate.