Ni Vhal Divinagracia
HINDI na mabusisi ang proseso ng Food and Drug Authority (FDA) kaugnay sa COVID-19 vaccine kagaya ng karaniwang proseso.
Ito’y ayon kay FDA Director General Eric Domingo sa panayam ng Sonshine Radio.
Isang executive order na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na syang nagbibigay otorisasyon sa FDA na mag-issue ng Emergency Use of Authority.
Pinawi naman nito ang posibleng pangamba ng publiko na baka mapareho sa Dengvaxia ang magiging resulta ng mga COVID-19 vaccine.
Tiniyak din nito na sinusuri ng FDA ang safety profile ng isang vaccine na bibilhin at wala naman itong naiulat na side effects so far.
Kung sakali naman na may side effects na nakikita, magre-report ang FDA sa World Health Organization (WHO) para maimonitor din ang iba pang bansa na gumagamit ng kaparehong vaccine.