Ni Kriztell Austria
INANUNSIYO ni Secretary of State Brad Raffensperger ang pagkapanalo ni Joe Biden base sa final tally nito.
Nagsagawa ng recount ang state matapos ang hamon ni Trump ukol umano sa anomalya na naganap noong eleksiyon.
Ayon kay Raffensperger, nasasaktan ang estado sa mga iginigiit na anomalya ni Trump patungkol sa “voting fraud” nito.
Samantala, hindi pa rin tinatanggap ni Trump ang pagkatalo sa kabila ng resulta.
Nag-iwan naman ng mensahe si Raffensperger na nagsasabing alam nito na may mga tao na naniniwala na wala talagang anomalyang nangyari.
Giit pa ni Raffensperger, ngayong natapos na ang recount sa pangatlong pagkakataon, ang resulta ang nananatili.