Ni Arjay Adan
NAGAWANG makahabol ng Barangay Ginebra matapos itong matambakan ng TNT Tropang Giga upang maipanalo ang Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals.
Sa naging laban ay nagawang makalamang ng Tropang Giga ng hanggang 15 points ngunit nagawang makahabol ng Gin Kings upang maipanalo ang laban ang magkaroon ng 2-0 lead sa finals.
Sa pangunguna ni Stanley Pringle at Aljon Mariano, nagawang mapigilan ng Ginebra ang 38-point explosion ni RR Pogoy.
Dahil sa pinagsamang 54 points nina Pringle at Mariano naagawang makabalik ng Ginebra matapos na makaranas ng double-digit deficit upang itabla ang laro sa parehong 84 points sa huling apat na munito ng laban na sinundan naman ng clutch triple ni Scottie Thompson upang bigyan ng kalamangan ang Gin Kings.
Nakatakdang ganapin ang Game 3 ng PBA Finals sa Biyernes.