Ni Pat Fulo
IPINAHAYAG ni Inter-Agency Task Force (IATF) Vice Chairman Karlo Nograles na titignan na muna ng task force kung mayroon bang sapat na pondo ang Philippine Health Insurance (PhilHealth) at Department of Health (DOH) upang makapagbigay ng libreng swab testing para sa lahat.
Sa ngayon aniya ay maging ang pagpapababa ng presyo ng COVID test ay sinisikap pa ng pamahalaan.
Magugunitang kamakailan lang ay lumobo sa mahigit isang bilyong piso ang utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross (PRC) dahil sa pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga umuuwing returning overseas Filipino workers (OFW).