Ni Karen David
HINDI dapat gamitin ng mga pulis ang issued firearms para sa personal na agenda.
Ito ang binigyan-diin ni PNP Spokesman Police Brigadier General Ildebrandi Usana matapos tanungin kung maaring dalhin ang armas kapag sila ay off duty.
Paliwanag ni Usana, maari lamang dalhin ng mga pulis ang kanilang baril kung kinakailangan na tumugon sa isang crime situations.
Kaugnay na rin ito ng pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Anthony Gregorio dahil sa pagpapaputok ng boga.
Tinangka rin ni Nuezca na noon ay off duty na arestuhin ang lalaking biktima dahil sa isyu.
Ayon kay Usana, maaring arestuhin ni Nuezca si Anthony noong panahon na mangyari ang insidente kahit hindi ito naka-duty.
Pero ayon kay Paniqui Municipal Police Station Chief Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, dapat ay tumawag na lamang si Nuezca ng local police at hayaang ito ang humawak sa isyu.