Ni Vic Tahud
INANUNSYO ni Department of Health na nasa 449, 400 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos nakapagtala ng 1,085 na bagong kaso.
Sa kabila nito, nasa 9,269 ang bilang ng mga bagong gumaling kung kaya’t umabot na sa 418,687 ang bilang ng mga COVID-19 patient na naka-rekober na sa bansa.
Umabot naman sa 8,733 ang kabuoang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ang kagawaran ng tatlong bagong fatalities.
Sa ngayon, nasa 21,980 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.