Ni Vic Tahud
MAHIGIT isangdaan at limang milyon ang iniulat na kabuoang halaga ng sira sa Caraga Region dahil sa tropical depression na bagyong Vicky.
Ito ay ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Dagdag pa ng NDRRMC, nasa mahigit anim na libong indibidwal o 1,950 families mula sa limampu’t pitong barangay ang naapektuhan nang nasabing bagyo sa Davao at Caraga Region.
Sa ngayon, mahigit limanglibo ang pansamantalang tumitigil sa limampu’t walong evacuation center habang nasa 54 families naman ang pansamantalang lumikas sa ibang lugar.
Samantala, aabot naman sa dalawampu’t anim ang na-monitor ng NDRRMC na pagguho ng lupa sa Caraga Region.