Ni Pol Montibon
IPINAHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na mas mainam aniya na limitahan na lang o huwag nang dumalo sa mga gatherings kung hindi nito maipapangakong nasusunod ang minimum health standards kontra COVID-19
“Government officials must take the lead, lead by example. If the government official is invited to an event but he or she cannot ensure that minimum health standards will be implemented during the event, it will be best if this government official will just decline to attend,” ani Malaya.
Hindi man nagbanggit ng pangalan si Malaya, matatandaang kamakailan ay kumalat sa social media ang larawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kuha sa isang event sa Bantayan Island, Cebu kung saan makikita ang napakaraming tao na hindi sumusunod sa social distancing protocol.
Kaugnay nito, binuweltahan naman ni Presidential Spokesman Harry Roque ang media na siya umano ang “pinupuruhan palagi” kaugnay ng kontrobersiyal na larawang kumalat na kuha sa isang event sa Cebu na binatikos ng mga netizen dahil sa paglabag umano ng mga tao sa social distancing protocol.
Ayon pa sa kalihim, ikinakasama nito ng loob, lalo na sa ilang media entity na siyang nagpapalabas ng hindi patas na balita upang idiin ito sa anumang pagkakamali.
Samantala, bilang tugon sa panawagan at pakiusap ng DILG sa kapareho nitong mga public servants.
Nangako ito na magiging maingat na siya sa mga dadaluhan niyang event at sa katunayan ay naglatag na aniya siya ng kondisyon sa pagtungo sa isang dadaluhang pagtitipon.
Dapat ani Roque ay i-obserba ang social distancing ng mga dadalo sa okasyon at health protocols.
Muling iginiit ng kalihim na naging istrikto siya sa pagsasabi sa mga tao sa Cebu na iwasan ang magdikit dikit upang makaiwas sa malawakang pagkalat ng COVID-19.