Ni Pat Fulo
POSIBLENG sa susunod na taon na muling ipatutupad ang number coding scheme sa National Capital Region (NCR).
Ito ang kinumpirma nismo ng Meropolitan Manila Developmemnt Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, kukonsultahin muna nila ang mga Metro Manila Mayors hinggil sa muling pagimplementa ng number coding sa mga motorista.
Sa ngayon ayon sa ahensya ay mananatili muna itong suspendido bilang pagtugon sa limitadong pampublikong sasakyan dulot ng pandemya.
Kinakailangan muna anitong makumpleto ang ruta ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) bago muling ibalik ang number coding ng mga sasakyan.
Kalagitnaan ng Marso nang sinimulang suspendihin ang number coding matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Luzon.