Ni Karen David
IREREKUMENDA ng Department of Health (DOH) ang pagpapalawig ng travel restrictions sa lahat ng bansa na may napaulat na bagong COVID-19 variant.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Una nang sinuspinde ng Pilipinas ang mga flights mula sa United Kingdom simula Disyembre 24 hanggang Disyembre 31.
Bawal ding pumasok sa bansa ang lahat ng pasahero na in transit patungo o mula sa nasabing bansa sa loob ng 14 araw.