Ni Cherry Light
AMINADO ang Department of Labor and Employment na nakakabahala na ang labis na pagtaas ng bilang ng mga kasambahay sa bansa na walang written employment contract.
Itoy matapos na nagsagawa ng kauna unahang survey ang DOLE katuwang ang National Wages and Productivity Commission (NWPC), Philippine Statisticts Authority, at ng International Labour Organization simula maaprubahan ang batas kasambahay noon pang 2013.
Gayong isa sa mga requirement ng batas kasambahay ay ang pagkakaroon ng written employment contract.
Sa isang virtual presser ng V Cafe at DOLE ay sinabi ni Executive Director Criselda Sy ng NWPC, dahil sa nagkaroon na nga ng baseline information ang ahensya ay magkakaroon na rin ng pag-aaral ang DOLE sa mga programa para sa kasambahay.
Ganun din sa iba pang government agencies na may kinalaman para sa kapakanan ng mga kasambahay sa bansa.
Ayon kay Sy sa ginawang survey ng mga naturang ahensya na lumabas ang resulta nitong October, 2019 nasa kabuuang 1,400,132 – ang domestic workers sa bansa na karamihan ay mga kababaihan.
Sa presentasyon din na ipinakita base sa resulta ng survey ayon din kay Sy, sa mahigit 1.4 milyong bilang ng kasambahay sa buong Pilipinas nasa 35,455 lamang dito ang may written contract na karamihan ay nasa edad 36 pataas habang 1,364,677 ang walang written contract.
Pero ayon sa DOLE kailangan lamang talaga ang istriktong pagpapatupad ng batas.
Nilinaw din ni Sy na sa batas ng kasambahay ay maaring magkaroon ng sanction ang mga employer na walang written employment contract sa kanilang household service workers.
Sa kabila nito ayon pa kay Sy sa numerong ito pinakamataas na bilang ng domestic workers sa bansa ay nasa Calabarzon sa Region 4-A, sumunod ang Metro Manila, Central Luzon, Western Visayas at Centaral Visayas.
Gayunpaman karamihan sa mga employer ng mga household workers ay nakakatupad naman ng minimum wage.
Aminado rin ang ahensya, ang problema lamang ay ang advocacy upang ipaalam sa mga kasambanay na meron ito at malaman na rin ang karapatan ng isang kasambahay.