Ni Cherry Light
NADAGDAGAN pa ang ruta ng domestic flights ng Philippine Airlines ngayong buwan ng Kapaskuhan.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna ang pinalawak na mga biyahe ng Philippine flag carrier ay patunay lamang sa unti unting pagluluwag at muling pagbubukas ng local travel industry.
Dagdag ni Villaluna, domoble na ang serbisyo ng ruta ng PAL sa pagitan ng Manila at Cebu simula nitong Disyembre a-14 hangang Disyembre 28 para sa round trips flight nito.
Ang flights sa pagitan ng Manila at Cagayan de Oro ay tumaas ng tatlong beses sa isang araw habang ang flights naman nito sa pagitan ng Manila at Tacloban ay domoble sa dalawang beses sa isang araw.
Pinasinayaan na rin ng flag carrier ang muling pagbabalik serbisyo nito patungong Antique ganundin sa Catarman at sa mga kilalang tourist destination nito gaya ng Coron (Busuanga) Siargao at Boracay.
Nag o-operate na rin ang PAL ngayon ng dalawang biyahe nito bawat araw patungong Boracay’s Caticlan Airport mula NAIA.
Sa ngayon ay patuloy pa rin pinapalawak ng PAL ang mga flights nito sa Clark, Puerto Princesa, Legazpi, Bacolod, General Santos at Siargao.
Gayunpaman regular pa rin naman ang biyahe ng PAL biyaheng Davao- Puerto Prinsesa o vice versa.
Nakabalik na rin ang operasyon ng PAL patungong Bohol. Simula nga binuksan ang Tagbilaran Airport sa mga commercial flight nitong Nobyembre.
Nag-resume ang biyahe ng PAL sa 15 karagdagang destination sa kabuuan umabot na sa 25 domestic at 32 international destination.