Ni Karen David
MAGPAPATUPAD ng travel ban ang Pilipinas sa mga bansa na may naiulat na kaso ng bagong COVID-19 variant.
Epektibo ang travel ban simula bukas, Disyembre 30 at tatagal hanggang sa Enero 15, 2021.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, exempted sa travel ban ang mga nagbabalik na Overseas Filipino Workers gayunman, kinakailangan nilang sumailalim sa mandatory quarantine ng dalawang linggo.
Ang bagong variant na tinawag na VUI 202012/01 ay unang na-detect sa United Kingdom nito lamang Disyembre.
Dahil dito, sinuspinde ng Pilipinas ang flights na papunta at mula UK hanggang sa ikalawang linggo ng Enero.
Ang ibang bansa na may confirmed cases ng bagong COVID-19 variant ay Denmark, The Netherlands, Australia, Japan, at France.