Ni Karen David
DADALO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa virtual session ng United Nations General Assembly (UNGA) on the COVID-19 pandemic ngayong araw hanggang bukas, Disyembre 4.
Sa isang pahayag, sinabi ng Office of the President na magbibigay ng mensahe si Pang. Duterte sa special session mamayang gabi.
Ayon sa MalacaƱang, palalakasin ng pangulo ang kanyang panawagan para sa global solidarity sa pagtugon sa mga hamon na dala ng COVID-19.
Sinabi ng MalacaƱang na partikular sa ikinababahala ng pangulo ang Universal Access sa anti-COVID-19 technologies at products maging ang pangangailangan para sa global efforts para matiyak ang availability ng ligtas at epektibong bakuna sa publiko ng developing nations.