Ni Claire Robles
MATAPOS makapagtala ng 67 na bagong gumaling mula sa COVID-19, umabot na sa 7,564 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 11,671 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa ang nagkasakit ng COVID-19 at umabot na sa 846 ang kabuuang nasawi habang nasa 3,261 ang patuloy na sumasailalim sa paggamot.
Habang nananatili namang may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng mga Pilipinong may COVID-19 ang Middle East at Africa na umabot sa 2,334 na sinundan ng Asia Pacific na may 561 na kaso, 307 sa Europe at sa America naman na may 59.
Mataas din ang naitalang recoveries ng mga pasyenteng Pinoy sa Middle East at Africa na nasa 4,657 habang 1,377 naman sa Asia Pacific, 1,010 sa Europe at 520 sa Amerika.
Ngayong linggo, nakapagtala naman ang DFA ng siyam na bagong nasawi.