Ni Vic Tahud
MULING nagpaalala si Presidential Spokesperson Harry Roque sa patas na presyo ng mga noche buena item ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ani Roque, mayroon nang inilabas na suggested retail price and Department of Trade and Industry upang maiwasan ang pagtaas ng mga presyo.
“Para naman sa ating pang-noche buena, merong nilabas ang DTI na suggested retail prices o SRP sa Noche Buena products na karaniwan nating inihahanda ‘pag Pasko at Bagong Taon.”
Ani Roque, ang presyo ng mga Noche Buena products na ito mula sa DTI ay hango pa noong taon.
Nagpapasalamat naman ang DTI sa mga manufacturers sa pagpapayag ng mga ito na ibalik ang presyuhan ng mga produkto kagaya noong nakaraang taon.
Samantala, paalala ni Roque, maaring ireport sa DTI ang anumang ‘di makatarungang pagtaas ng mga presyo ng mga Noche Buena item.