Ni Troy Gomez
MULING nagpaabot ng ayuda si Senator Bong Go sa mahigit isang daang pamilya na nasunugan sa Brgy. Sauyo Quezon City.
Binisita ng senador ang Sauyo High School sa Quezon City kung saan pansamantala munang dinala ang nasa 120 na mga pamilya ang nawalan ng tirahan sa Sitio Cabuyao ng Brgy Sauyo nito lamang Nobyembre 27.
Electrical ang itinuturong dahilan ng sanhi ng pagtupok ng sunog sa lugar.
Ayon naman kay Senator Bong Go sa ngayon ay naghain na sya ng modernization ng Bureau of Fire upang maturuan ang mga tao kung paano mag ingat laban sunog.
Samantala bukod pa dito ay tinututukan din ng opisyal na matulungan ang lahat ng mga local government units na naubusan na ng calamity fund dahil sa pandemya na naapektuhan naman ng sunod sunod na bagyo hangang sa hagupit ng bagyong Ulysses.