Ni Ethel Guanco
BAHAGI na ng Japan B. League All-Star Game si Thirdy Ravena matapos makakuha ng pinakamataas na boto sa Asian Player Quota.
Nakalikom ng 27, 593 votes si Ravena at nakuha ang 9th place sa botohon ng mga guards.
Siya lang ang natatanging San-en NeoPhoenix player na makakasali sa midseason special.
Maglalaro si Ravena sa White Team kasama ang dating import ng San Miguel Beermen na si Nick Fazekas, at si Kasuke Kanamaru na nakakuha naman ng pinakamataas na fan vote sa lahat ng team captain.
Haharapin nila ang koponan ng B. Black na pinamumunuan ng dating manlalaro ng NBA at ngayo’y Utsunomiya Brex star na si Yuta Tabuse.
Nakatakda ang naturang all-star game sa January 17 sa Adastria Mito Arena, sa Mito, Ibaraki Prefecture, Japan.
Matatandaang nitong nakaraang linggo lang nakabalik sa laro si Ravena matapos makarekober ito sa COVID-19.