Ni Karen David
MAARI nang bumalik sa trainings ang mga national athlete na lalahok sa Tokyo Olympics.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang request ng Philippine Olympic Committee.
Ang mga atleta ay magsasanay sa “bubble-type” setting para sa sporting events sa 2021.
Una nang naglabas ang Philippine Sports Commission ng Safety Rules and Protocols na susundin sa loob ng Bubble.
Sinabi ng PSC na ang panuntunan ay batay sa guidelines ng World Health Organization, Department of Health at IATF.