Ni Karen David
MULING ipatutupad ang truck ban sa Metro Manila simula sa Lunes, Disyembre 14.
Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Dahil dito, hindi na papayagang bumiyahe sa EDSA ang mga trak na may anim na gulong pataas mula alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at mula alas 5 ng hapon hanggang alas 10 ng gabi simula Lunes hanggang Sabado.
Magiging epektibo rin ang truck ban sa C-5.
Samantala, wala pang inilalabas na abiso para naman sa mga light trucks na mayroong ibang polisiya.
Magugunitang inalis ang truck ban para tuluy-tuloy ang pagbiyahe ng mga essential good habang may COVID-19 pandemic.