Ni Margot Gonzales
SA isang interview sa peoples champ ay sinabi nitong hindi bababa sa 50 katao ang dumalo sa kaniyang simpleng pagdiriwang, kahit nasa 300 ang katao ang kapasidad ng venue.
Ito ang iginiit ni Sen. Manny Pacquiao na wala itong nilabag na health protocol nang ipagdiwang nito ang kaniyang 42nd birthday noong Disyembre a-17 sa General Santos City.
Lahat aniya ng pumunta sa kaniyang kaarawan ay nakuhanan ng swab test bago sila payagang makapasok sa venue o sa bulwagan. Pero marami sa mga netizens ang nagsabi na hindi nasunod itong health protocol.
Base kasi sa mga ilang larawan na inilabas ng asawa ni Jinkee na asawa ni Paquiao mula sa party ay may ilang bisita na walang suot na mask at walang social distancing.
Samantala, hindi naman ito ang first time na naakusahan ang senador ng paglabag sa protocol kontra COVID-19. Matatandaan na minsan nang napuna si Pacquiao sa pagpunta nito sa Batangas para mamahagi ng relief goods kung saan ay hindi umano nasunod doon ang social distancing.
Lumabas naman sa imbestigasyon ng PNP na walang tinamaan ng COVID bago at pagkatapos ang nasabing event ng senador.
Batay na rin sa imbestigasyon ng PNP, na tiniyak ng mga LGU officers na nakasuot ng mask at face shield ang lahat ng nandoon maging ang mga upuan para sa mga dumalo ay naka-ayos aniya para masunod ang social distancing.