Ni Arjay Adan
NAIS ipasibak ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas ang dalawang baguhang pulis na umano’y nagpositibo sa paggamit ng droga.
Ipinag-utos na ni Sinas ang imbestigasyon at pagsasagawa ng summary dismissal proceeding laban sa patrolman na si Reland Intal ng Olingapo City Mobile Force Company at Patrolman Benhur Ismael ng 2nd Sulu Provincial Police Mobile Force Company.
Sinabi pa ni Sinas na kung hindi ito nalaman ng PNP ay ipagpapatuloy ng mga ito ang paggamit ng droga at maarin rin nitong maimpluwensyahan ang iba pang mga pulis.
Iginiit ni Sinas na kinakailangang sibakin sa puwesto ang mga ito dahil wala aniyang lugar ang mga adik sa PNP.