Ni Arjay Adan
BUNSOD sa direktiba ng National Telecommunications Commission o NTC, opisyal nang blinock ng PLDT Inc. at subsidiary nitong Smart Communications ang nasa 3,011 na sites na nagtatampok ng sexual abuse and exploitation sa kabataan.
Sinabi ni PLDT First Vice President and Chief Information Security Officer Angel Redoble, kapag sinubukan ng user na buksan ang mga malisyosong materyales na ito na kabilang sa kanilang network blacklist, agad itong ire-redirect ng kanilang child protection platform sa isang landing page kung saan ipapa-alam sa kanila na ang file na sinusubukan nilang buksan ay labag sa Anti-Child Pornography Law ng bansa.
Katuwang din nito ang United Nations Children’s Fund na siyang nagbigay daan para maipatupad ang sarili nitong child safeguarding policy.