Ni Vic Tahud
MAGDO-DONATE ng limangdaang libong COVID-19 vaccines ang China sa Pilipinas bilang bahagi ng pangako ni Chinese President Xi Jing Ping kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ipinahayag ni Chinese Foreign Minister Wang noong Sabado sa Department of Foreign Affairs (DFA) habang isinasagawa ang bilateral meeting ng dalawang bansa.
Ayon sa ahensya, ito na ang pang-pitong pagkakataon na nagdonate ang China sa bansa ng 3.25 billion Chinese yuan o 24.16 billion pesos simula 2016.