Ni Arjay Adan
HINDI bababa sa 700 ektarya ng onion farms sa bayan ng Pangasinan ang sinalakay at sinalanta ng armyworms.
Ito ang dahilan ng pagbaba ng produksyon at pagtaas ng presyo ng sibuyas.
Ayon kay Rodolfo Ragos, high-value crops coordinator ng Municipal Agriculture Office, aalamin pa nila ang halaga ng pinsalang idinulot ng mga peste ngunit sa ngayon ang presyo ng sibuyas na dating nasa 40 pesos kada kilo ay nagtaas na sa 45 pesos kada kilo ngayong buwan.
Ayon pa kay Ragos, maaari pa ring maisalba ang ilang bahagi ng apektadong sakahan.
Samantala, nagbigay na ang Department of Agriculture at ng Municipal Agriculture Office ng “lure traps” upang makatulong sa pagpuksa sa mga nasabing peste.