Ni Karen David
KANSELADO ang lahat ng physical activities sa Sinulog Festival sa Cebu.
Batay ito sa abiso ng Sinulog Foundation Inc. at ng kanilang Chairman na si Cebu City Vice Mayor Michael Rama sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.
Sa press conference, sinabi ni Rama na walang magiging street dancing parade at grand ritual showdown.
Lahat aniya ay irerecord at ipalalabas bilang live sa Enero 17.