Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
KAYA sa parehas na sitwasyon sa modernong panahon natin ngayon, tayong mga anak ng Dakilang Ama na nakapagsisi at sumusunod lamang sa Kalooban ng Ama anuman ang mangyari – na naging Kingdom citizens na mga anak na babae at lalaki na pinili, tinawag at naging matapat sa pagsusunod sa Kanyang Kalooban, kahit na ang mga kalamidad na ito ay nangyayari tinitiyak ko sa inyo na ang Ama ay poproteksyonan tayo kahit tayo ay naririto pa sa mundong ito.
ILILIGTAS NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK SA PANAHON NG PAGHATOL
Ang Ama ay hindi papahintulutan na ang mga salot na ito ay mapunta sa atin. Ang Ama ay ililigtas tayo sa mga salot na ito. Kung ito man ay paghahatol o parusa mula sa Dakilang Ama dahil sa kasamaan at kasalanan ng tao na nakita Niya katulad ng sa panahon ng Sodom at Gomorrah, ang Ama ay ililigtas tayo.
Kaya ang aking dalangin para sa mga hindi pa nagsisi ay kapag nakikita natin ang mga kalamidad at pagkawasak na nangyayari sa mundong ito, at halos lahat ng tao ay apektado, lalo na ang mga hindi nagsisi, ito ay panahon na para tumawag sa Kanya.
Hindi lamang para tawagin Siya sa oras ng ating pangangailangan, hindi lamang para tawagin Siya kung nasa panganib ang ating buhay. Hindi lamang natin Siya kinikilala at tinatawag at pinupuri Siya sa oras na wala na tayong matirhan, wala na tayong mapuntahan at wala na tayong matawagan kundi Siya.
ANG TAO AY NAALALA LAMANG ANG DIYOS KAPAG MAY KAILANGAN
Ang tao ay sadyang ganyan. Naaalala lamang nila ang Dakilang Ama kapag ang mga bagay na ito ay nangyayari at sila ay nasa panganib.
Alam niyo, kapag kayo ay magiging anak na babae at lalaki, ang buhay natin ay nakasentro, nakaalay, sumusunod at tapat sa paggawa ng Kanyang Kalooban.
Ganyan tayo namumuhay sa araw-araw at yan ang gusto ng Ama na dapat nating gawin. Tingnan natin ang kaloob-looban ng ating puso kung saan matatagpuan ang kabanalan ng presensya ng Ama na nananahan sa ating loob.
Hindi tayo tumitingin sa mga sirkumstansya sa ating paligid na makakaapekto sa atin, para tayo ay malungkot, sumaya, matakot at mabahala dahil tayo ay nakatuon na sa ating kaloob-looban na nilikha ng Ama.
ANG ORIHINAL NA PLANO NG AMA
Ano ang layunin na nilikha Niya tayo? Tayo ay Kanyang nilikha dahil tayo ay Kanya, sa kanyang plano, tayo ay magiging Kanyang tahanan dito sa lupa.
Samakatuwid ang tao ay ang Langit ng Ama dito sa lupa. Yan ang lugar kung saan Siya nananahan. Kahit gaano kaganda ang kalikasan, kagaya ng ating napag-usapan na kung gaano kaganda ang langit sa Aklat ng Pahayag patungkol sa New Jerusalem na inihanda ng Dakilang Ama na nilikha ng Kanyang sariling kamay. Kung saan ang daan ay gawa sa ginto, ang mga dingding ay gawa sa mahahalagang bato.
Lahat yan ay nakasulat na sa Banal na Aklat. Si Apostol Juan ay nakita ang sukat ng siyudad. Ito ay higit sa 5 million square miles, square kilometers at ang buong siyudad ay napalibutan ng ginto. Lahat ng mga mansyon ay gawa sa mga mahahalagang bato at ginto. Lahat yan ay mayroon duon. Napakagandang siyudad, ngunit ang siyudad na yan ay walang kabuluhan kung wala tayo dun.
HINDI TAYO KINALIMUTAN NG AMA
Kaya ang pinakamahalaga sa Diyos ay ang kanyang nilikha, ang tao. Kahit na ang sangkatauhan ay nahulog dahil sa kasalanan, ang Diyos ay hindi tayo kinalimutan. Tayo ay Kanya pa ring pinakaespesyal. Tayo ay Kanya pa ring pinakamamahal. Tayo pa rin ang Kanyang pinakafocus ng Kanyang presensya.
At Siya ay may plano pa ring manahan sa tao dahil yan ang Kanyang orihinal na plano sa simula pa lamang at si Lucifer na satanas ay alam yan. Kung kaya sinira niya ang plano ng Diyos sa kanyang kasamaan. Nilinlang niya si Adan at Eba at siya ang nanahan sa kanila na hindi nila nalalaman.
ANG TAO AY GUSTONG MANUMBALIK SA DIYOS
Ang kaligtasan ay dumating at ito ang pinangangaral natin ngayon. Upang ang tao ay makapanumbalik sa relasyon na yan, ang tao ay gumawa ng sarili niyang kakayahan at kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpatayo ng tore na Babel.
Sinubukan nila sa pamamagitan ng kanilang sariling kakayahan, kapangyarihan at karunungan na maabot ang langit kung saan andun ang Diyos. Ngunit hindi yun ang plano ng Diyos kaya sila ay nagkawatak-watak.
At para sa Diyos, ang plano na yun ay masama dahil gusto nilang abutin ang Diyos sa kanila lamang sarili. “I Did It My Own Way” ay isa sa laging kinakanta ng tao dahil gusto nila ang kanilang sariling paraan at nakalimutan na nila ang Diyos.
Ngunit ang Dakilang Ama ay napakabuti sa atin dahil hindi Niya tayo iniwan sa ating kasamaan at kasalanan. Kaya gumawa Siya ng paraan para sa atin. Kaya, Siya, sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita, Diyos, ang Espiritu, ang pinagmulan ng Salita at ang Salita ay iisa. Katulad na ako ang pinagmulan ng aking salita, ang aking salita at ako ay iisa.
ANG SALITA NG DIYOS NA NAGKATAWANG TAO
Kaya, Kanyang pinadala ang Kanyang Anak, ang Kanyang Salita na nagkatawang tao. Kanya itong tinawag na Kanyang Anak. Anak na nagmula sa sinapupunan ng Espiritu ng Ama ay ang Salita. Ang salita ay naririnig lamang dati. Ito’y naririnig lamang. Ngunit kung Kanyang ipapadala lamang ang Kanyang Salita sa atin, mga tao na nasa laman at dugo at buto at naririnig lamang natin ang Kanyang boses, hindi tayo makaunawa sa Kanya.
Hindi tayo makakaunawa sa taong hindi natin nakikita ngunit naririnig lamang. Kaya pinadala Niya ang kanyang Salita at ang Kanyang Salita ay nagkatawang tao. Ang katawan na namuhay kasama natin ngunit Siya ay ang Salitang may Buhay. Siya ang lumalakad na Salita. Siya ang Ilaw ng sanlibutan at binigyan Niya tayo ng daan, ng katotohanan at ng buhay kung saan walang makakapunta sa Ama, maliban na lamang sa pamamagitan ng Salita.
Siya ang Salita, Siya ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay na nagkatawang tao. Walang sinumang makakapanumbalik sa Ama maliban kung sila ay may Salita na yun sa kanilang loob. At ang mga Salita at sila ay naging isa.
Kaya ang Salita ay kailangan na magkatawang tao. Kung kaya sinabi sa 1 John, sila na hindi naniniwala na si Jesucristo ay pumarito sa laman ay ang espiritu ng Anti-Kristo. At siya na hindi naniniwala na laban sa plano ng Diyos na ang Diyos ay nais manahan sa ating loob upang tayo ay Kanyang maging tahanan, upang Siya ay makalakad kasama natin, upang Siya ay makapangusap sa atin at Siya ay makaunawa sa atin bilang kanyang mga anak.
Kaya tayo ay naglikha ng langit para sa Kanya habang tayo ay nasa planetang ito. At nang Kanya akong tinawag sa dalawang bundok sa anim na taon, Kanya akong nilikhang muli. Ginawa Niya muli ang aking espiritu sa aking loob. Binuo Niyang muli ang aking buhay mula sa aking loob, hindi sa aking panlabas bagkus sa aking loob.
Dahil mula sa panlabas, ako ay ganun pa rin nang ako ay Kanyang unang tinawag. Ako pa rin si Apollo C. Quiboloy. Parehas pa rin ako noon sa panlabas. Ngunit sa aking loob, ang Ama ay nilikha akong muli at ginawa akong New Jerusalem mula sa aking loob kung saan ang Kanyang Espiritu ay nananahan.
(Itutuloy)