Ni Arjay Adan
NAPAGDESISYUNAN ng Ayala Corporation na bumili ng 450,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa United Kingdom-based manufacturer na AstraZeneca.
Ito ay bilang parte ng kontribusyon ng pribadong sektor sa National Vaccination Program.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ayala Corp. President at Chief Operating Officer Fernando Zobel de Ayala na ang mga bakuna na nagkakahalaga ng 120 milyong piso ay hahatiin sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.
Itinalaga ng Ayala sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Vince Dizon at Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion III bilang isa sa mga tutulong sa pagbili ng bakuna.