Ni Kriztell Austria
NANALO si Janet Yellen sa pamamagitan ng bipartisan support mula sa mga miyembro ng Senate Finance Committee.
Dahil dito, si Yellen ang magiging responsable sa economic response ng Biden administration.
Sa kanyang confirmation hearing nitong Enero a-19, hinimok ni Yellen na mag-apruba ang Kongreso ng trilyon na halaga para sa pandemic relief ng bansa.
Aniya, dapat ay kumilos nang malaki ang bansa na hindi nababahala sa national debt.
Dagdag pa niya, hindi dapat tumutok sa pagtataas ng tax, kundi sa mga programa na makakatulong upang malampasan ang pandemya.
Samantala, matatandaang namuno si Yellen sa US Central Bank mula noong 2014 hanggang 2018.