Ni Stephanie Macayan
MARAMI sa ngayon ang tanghali na kung gumising. Kadalasan ang mga kabataan ang may ganitong gawi dahil napupuyat sa gabi dahil na rin sa kagagamit ng gadgets. Ngunit, mayroon naman na kaya napupuyat ay dahil pang-gabi sa trabaho kaya naman hindi natin masisisi ang mga ito kung sila ay tulog sa umaga at tanghali na rin kung bumangon. Ngunit alam mo ba na ang paggising nang maaga araw-araw ay may mga magandang benepisyo sa ating pangangatawan? Ngunit, mayroon ding masamang epekto.
Hindi natin maitatanggi na masarap ang matulog at may pagkakataon na nakakatamad bumangon nang maaga lalo na’t kung naulan at malamig. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit mas ginugusto natin na mahiga na lamang at umidlip. Ngunit, hindi ito dahilan upang maging tamad sa paggising ng maaga.
Ang mga sumusunod ang mga magandang dulot ng paggising nang maaga:
- Nakakatulong ito para maging malusog ang pangangatawan
Pag maaga magising, magkakaroon ng oras sa paghanda ng tamang pagkain sa umaga at masusunod ang tamang diet. Samantala, pag tanghali na gumising, malamang na maubusan ng oras upang makapaghanda ng angkop na kakainin.
- Nakakapagpaganda ng kutis
Ang sapat na tulog at paggising nang tama sa umaga ay nagdudulot ng benepisyo ng karagdagang TLC para sa ating balat. At nagkakaroon din ng oras upang makapag ehersisyo na siyang nakapagbibigay ng kakaibang glow at lakas sa ating pangangatawan.
- Nakakapagpalinaw ng isip
Kung ang isipan ay magulo sa gabi, maaari itong itulog at paggising sa umaga ay awtomatikong magkakaroon ng malinaw na pagiisip. Magandang makasanayan ito ng isang estudyante dahil malaking tulong ito upang lalong lumawak ang pag-iisip.
Ngunit, ayon sa ilang pag-aaral, Kung mayroong magandang benepisyo ang paggising nang maaga, mayroon din itong masamang epekto kung nakasanayan rin ang paggising ng sobrang aga.
Maari ring magresulta sa stroke ang di maayos na paggising sa umaga. Ayon sa mga pag aaral sa Melbourne, Australia, maaring mauwi sa stroke ang laging pagkakaroon ng social jetlag o ang pagpilit bumangon sa umaga na salungat sa natural na paggising ng katawan. Kahit ito ay nakasanayan na, hindi maganda sa katawan ang paggising ng sobrang aga araw-araw.
Pagpapaliwanag ng mga eksperto, sa pagsikat ng araw ay humihinto ang paglabas ng melatonin o hormone na nakatutulong sa pagtulog at pagpahinga ng ating katawan habang ginigising naman tayo ng enerhiyang bigay ng internal cortisol. Sa oras na masira ang balanseng natural ng proseso na ito, dito na tumataas ang tsansya ng stroke, diabetes, sakit sa puso at maging depresyon.