Ni Marileth Antiola
ISA sa pinakamainam na pang-alis ng stress sa katawan at pamparelax pagkatapos ng ilang araw na pagkakasubsob sa trabaho o pag-aaral ang pagpapamasahe.
Narito ng ilan sa mga benepisyong makukuha natin sa pagpapamasahe:
- Pag imrove ng sirkulasyon ng dugo. Ang pagpapamasahe ay nakakatulong na maging maayos ang daloy ng dugo sa buong katawan at nakakabuti rin para sa paghatid ng supply ng mga nutrients sa katawan. Nagiging makinis at malambot din ang balat matapos ang massage therapy dahil narerelax nito ang muscles at tinatanggal ang lamig na naipon sa katawan.
Nag po-promote ng flexibility. Ang madalas na pagpapamasahe ay nagbibigay ng flexibility sa katawan dahil sa tulong din ng regular na massage therapy, maiiwasan ang tyansa ng injury. Ang pangangalay o sakit ng mga kasukasuan sanhi ng rayuma ay na re-relieve din ng masahe.
Nakakaalis ng bloatedness ng katawan. Ang pagpapamasahe ay nakakatulong sa pagtanggal ng bloatedness sa katawan at sa pagtunaw ng mga taba sa katawan kaya’t kasama ng pagkain ng balanseng diet, makakatulong ito sa pagbawas ng timbang at mabisa rin sa pagtanggal ng mga cellulite.
Epektibo pantanggal ng stress. Ang pagpapamasahe ay isang epektibong paraan upang mawala ang stress at pinapagaan ang ating pakiramdam. Ginigising nito ang mga natutulog na taba sa katawan, inaalis ang lamig at hanging naipon sa likod at pagkatapos ng isang sesyon ng maayos at professional massage, tanggal ang mga nararamdamang sakit at handa na naman humarap sa isa pang araw.
Isang paalala lamang, maraming pamamaraan o uri ang massage, pero bago ang lahat, komunsulta muna sa doctor, espesyalista at mga therapist kung ano ang mga nararapat at nababagay sa iyo.