Ni Pat Fulo
UMABOT na sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga residente ng San Juan na nagregister online para sa vaccination program ng lungsod.
Sa tala ng San Juan LGU kahapon, Enero a-12, kabuuang 10,444 na mga San Juañeno na ang nagpahayag ng interes na makapagpabakuna kontra COVID-19.
Naniniwala si Mayor Francis Zamora na malaki ang naitulong ng paglalagda ng kasunduan ng LGU sa AztraZeneca upang tumaas ang kumpiyansa ng mga residente na lumahok sa ikakasang immunization program.
Nakapagpataas din aniya sa tiwala ng mga San Juañeno ang pagpili ng LGU sa brand na maituturing “internationally recognized”.
Nasa 100,000 doses ng bakuna ang ipinareserba ng San Juan LGU sa AstraZeneca na ayon kay Zamora ay sasapat na upang mabakunahan ang halos kalahati ng populasyon ng lungsod.