Ni Vhal Divinagracia
MAGSISIMULA sa Pebrero ang roll-out ng COVID-19 vaccines sa bansa kung saan gagawin na ito buwan-buwan ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Gen. Restituto Padilla sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani Padilla, isang paraan na rin ang buwan-buwang rollout para hindi maabutan ng expiration date ang vaccines lalo pa’t may kailangan itong standard storage temperature.
Aasahan naman na sa 3rd at 4th quarter ang malakihang shipment ng COVID-19 vaccines ayon pa kay Padilla.
50 to 70 milyong Pilipino ang target ng pamahalaang mabakunahan kontra COVID-19.
Nilinaw rin nito na hindi naka-pokus sa isang vaccine lang ang bansa kundi nakikipag-ugnayan ito sa lahat na posibleng kumpanya.
Itoy para makakuha aniya agad ng vaccine ang bansa kung sino man ang mauunang makapag-produce na vaccine maker.
Dagdag pa dito ay para makakuha ng tamang bilang ng vaccines na kakasya sa lahat ng Pilipino at ang angkop na uri ng bakuna para sa bawat sektor ng lipunan gaya ng para sa mga matatanda o bata.
Ang nasabing paglilinaw ay kaugnay sa mga napabalitang mas mukhang pinapaboran umano ng pamahalan ang Sinovac ng China.