Ni Arjay Adan
PINALAWAK pa ng Cebu City ang contact tracing nito sa second degre matapos itong makapagtala ng nasa 500 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Mayor Edgardo Labella, nasa 90 porsyento ng mga pasyente ay asymptomatic at kasalukuyan ng nasa barangay quarantine facilities.
Dagdag nito, ang pampubliko at pribadong ospital sa syudad ay mayroong 17 at 26 porsyentong occupancy rate.
Ani Labella, nagsasagawa na sila ng second degree contact tracing at nakitaan talaga ng pagtaas sa nakalipas na limang araw matapos ang holiday season at pista ng Sto. NiƱo.
Wala pa namang balak ang lokal na pamahalaan ng Cebu na magpatupad ng mas mahigpit na community quarantine dahil ani Labella ay maaari pa nitong ma-contain ang bilang ng virus at mayroon silang sapat na pasilidad para respondehan ito.