Ni Pat Fulo
NAGLUNSAD ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng special lending program para sa mga Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs).
Ito ay ang DBP response to accelerate MSME recovery program na layon nitong mapabilis ang recovery ng MSMEs sa kabila ng economic slowdown dahil sa pandemya.
Ayon kay DBP President Emmanuel Herbosa, target ng programa na maasistahan at mahikayat ang MSMEs na bumalik sa operasyon.
Sa ilalim ng programa, maaring makahiram ang mga kwalipikadong MSMEs ng hanggang 100% ng kanilang one-year cash operating expense base sa 2019 audited financial statements o ng 2020 Interim Financial Statements.
Wala ring kahit anong collateral requirement para sa naturang loan program kung saan maaring makahiram ng hanggang 3 milyong piso.
Aabot naman sa hanggang 3 taon ang loan tenor ng programa na mayroong hanggang 12 buwan na grace period.