Ni Arjay Adan
PLANO ng pamahalaan na magdagdag ng hindi bababa sa 300 sanitary landfills sa taong 2022 bilang parte ng aksyon nito na masolusyonan ang lumalalang problema sa basura ng bansa.
Sinabi ng Department of Natural Resources (DENR) na ang inisyatibong ito ay isasagawa sa pamamagitan ng isang public-private partnership dahil sa patuloy pa ring nahihirapan ang bansa na pagbutihin ang management sa basura.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng virtual consultation ang DENR sa mga sanitary landfill operators upang masiguro na nakahanda itong tumulong sa mga local government units upang maresolba ang problema sa basura.
Sa ngayon ay mayroong 189 sanitary landfills ang nago-operate na nagbibigay serbisyo sa 399 na LGUs sa buong bansa.