Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na wala ng kaso ng bird flu o avian influenza ang Pilipinas.
Ito ay base na rin sa ulat ng World Organization for Animal Health.
Dagdag pa ng DA, nagawa nilang resolbahin ang kaso ng H5N6 sa mga poultry ng Pampanga at sa Rizal na hindi pa aabot ng isang taon.
Ani Agriculture Secretary William Dar, ito ay isang welcome development para sa bansa, sapagkat isa sa mga main source ng protein ng mga Pilipino ang mga poultry meat.
Pinuri naman ni Dar, ang Bureau of Animal Industry at lokal na pamahalaan sa Pampanga sa naging aksyon nito upang hindi na kumalat pa ang H5N6 sa ibang lugar.
Sa ngayon, wala nang nakikitang kaso ng bird flu sa mga apektadong poultry farm sa Pampanga at Rizal.