Ni Karen David
AYON kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sang-ayon ang DOH sa World Health Organization (WHO) na kinakailangan pa ng mas masusing research para sa vaccination ng mga bata laban sa COVID-19.
Ani Vergiere, hihintayin muna sila ng sapat na ebidensya kung saan nasubukan na ang mga COVID-19 vaccine sa mga bata bago ito mapatupad sa bansa.
Sa ngayon aniya, wala pang bakuna ang nakakasubok sa mga bata na may edad 16 anyos pababa.
Una nang pinunto ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na mababa ang bilang ng mga bata na tinamaan ng COVID-19.