Ni Vic Tahud
HINIKAYAT ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang publiko na iulat sa kanilang kagawaran ang mga batang palaboy na delikadong mahawaan at makahawa ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao.
Ani Dumlao, maari rin itong i-report sa mga lokal na pamahalaan upang mailayo sila sa kapahamakan.
Sa mga nasa National Capital Region, maaring tumawag ang mga taong magrereport sa 8735-5413 sa Crisis Intervention Unit.
Pahayag ng kagawaran, patuloy na tumutulong ang DSWD sa mga street dwellers upang makapag-aral ang mga ito at mabigyan ng financial assistance.