Ni Pat Fulo
MAHIGIT 500,000 registered new business names ang naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) mula nang umiral ang community lockdown sa bansa noong Marso.
Ayon sa DTI, nanguna dito ang mga negosyong retail via internet o online selling na mayroong 87,223 new registrants at sinundan ng sari-sari stores na mayroong 68,241.
35,908 naman sa nasabing bilang ay pawang mga mobile food delivery service, 19,156 ang apparel retail habang 19,534 ang retail sale ng food products.
Ayon kay DTI-National Capital Region Dir. Marcelina Alcantara, sumasalamin ito sa resiliency ng mga Pilipino sa gitna ng krisis dulot ng pandemya.