Ni Vic Tahud
HINDI pa rin pabor si Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez sa face to face classes.
Ito ay sa kabila ng pag-aprub ng gobyerno na makalabas na ngayon ang mga may edad 10 hanggang 65.
Aniya, “Imaginine po natin ‘yong intensity ng interaction ‘pag nasa eskwelahan yong bata, tabi-tabi ang mga mag-aaral, ang mga estudyante, constant interaction. Mas hindi ho natin mabantayan. Alam niyo po, they spend so may hours with that kind of environment.”
Sinabi pa nito na mas hindi mapoprotektahan ang mga bata sa paaralan at mas manganganib ang kanilang kalusugan.
Aniya, makalalabas ang mga bata na may edad sampu pataas ngunit dapat kasama ang mga magulang. Magkaroon din umano ng family bonding at tataas din ang kita ng mga negosyo.